Aaraling mabuti ng Nationalist People’s Coalition (NPC) kung tatanggalin na rin nila sa partido si expelled Cong. Arnolfo Teves, Jr.
Sa interview kay Cong. Jack Duavit ng Rizal, pinuno ng NPC contingent sa Kamara, inasahan na nila ang pagsibak kay Teves bilang House member dahil sa disorderly behavior, paglabag sa House of Representatives Code of Conduct at pag-tag dito ng ATC bilang terorista.
Inamin ni Duavit na bomoto siya ng “yes” dahil maliwanag na batayan sa naging hatol ang patuloy nitong pag-absent sa Kamara.
Dahil sa miyembro ng NPC si Teves, pag-aaralan muna nilang mabuti at titimbangin kung kailangan na siyang tanggalin dahil bukod kay Teves may mga kasamahan pa ito sa Negros Oriental na dapat ding kunin ang opinyon.
Aminado rin si Duavit na may ilan NPC members ang pabor na alisin na ito sa partido, habang may ilan naman ang tumututol.
Samantala naghayag ng pagsuporta ang National Unity Party (NUP) sa desisyong alisin na sa listahan ng mga kongresista si Teves.
Ayon kay Camarines Sur Cong. Luis Raymong LRay Villafuerte, kailangang protekthan ang integridad, kredibilidad at honor ng Kamara bilang institusyon.
Ang isyu sa pag-aapply nito na mabigyan ng political asylum sa Timor-Leste ay matibay na ebidensiya na tinatalikuran na nito ang tungkulin bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Negros Oriental. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News