Hindi pa maaring i-extradite si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. hangga’t nakabinbin pa ang resolusyon sa kanyang request for political asylum sa Timor-Leste.
Sa virtual press conference, ipinaliwanag ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, na mayroong batas sa Timor-Leste na hindi pwedeng i-extradite ang isang indibidwal na mayroong pending political asylum application dahil magiging moot and academic ang kanyang aplikasyon.
Reaksyon ito ni Topacio sa announcement ng Department of Justice na kinatigan ng mga awtoridad sa Timor-Leste ang extradition request ng Pilipinas para sa dating mambabatas.
Si Teves ay nahaharap sa mga kasong murder kaugnay ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pang mga indibidwal noong Marso ng nakaraang taon.