dzme1530.ph

Expansion ng Siargao Airport, sisimulan na sa Biyernes –DOTr

Loading

Magsisimula na sa Biyernes, August 8, ang konstruksiyon ng pinalawak na passenger terminal building ng Siargao Airport.

Sa isang Facebook post ngayong Martes, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang proyekto ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paigtingin ang travel experience at tiyaking komportable ang biyahe ng mga lokal at dayuhang pasahero.

Sa ilalim ng utos ni DOTr Secretary Vince Dizon na magkaroon ng modular expansion sa nasabing paliparan, pinadadagdagan ang seating capacity at pinapabilis ang passenger flow.

Bahagi nito ang pagtanggal ng VIP lounge at mga redundant X-ray machines upang mapadali ang security check.

Target din ng DOTr na gawing international hub ang Siargao Airport. Kaya’t inatasan na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pabilisin ang pagpaplano para sa pagpapalawig ng runway at pagtatayo ng bagong world-class passenger terminal.

Ang proyekto ay bahagi ng bundled unsolicited proposal para sa modernisasyon at expansion ng Davao at Bicol airports, na isinumite ng JG Summit at Filinvest groups sa ilalim ng public-private partnership (PPP) deal.

About The Author