![]()
Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na suspendido ang expanded number coding scheme simula April 1 hanggang 3.
Ito ay bilang bahagi ng pakikiisa ng MMDA sa paggunita sa Semana Santa.
Epektibo ang suspensyon simula 12 noon ng April 1 Holy Wednesday hanggang sa April 3 Good Friday.
Pinayuhan naman ang mga motorista at biyahero na mag-ingat sa pagmamaneho at planuhin ang biyahe.
