dzme1530.ph

EXPANDED NUMBER CODING SCHEME, SUSPENDIDO BUKAS

Loading

Sinususpinde ng Metropolitan Manila Development Authority ang implementasyon ng expanded number coding scheme bukas, April 9.
 
Ipinaliwanag ng MMDA na awtomatikong suspendido ang number coding tuwing regular at special non-working holidays.
 
Ang April 9 ay idineklarang regular holiday dahil Araw ng Kagitingan.
 
Payo naman ng MMDA sa publiko na planuhin nang maayos ang biyahe upang maiwasan ang anumang aberya.
 
Dobleng pag-iingat din anila ang dapat pairalin sa pagmamaneho.

About The Author