Isinusulong ni Education Sec. Sonny Angara ang mas malawak na implementasyon ng Alternative Learning System (ALS).
Ito ay programa ng Department of Education (DepEd) na nagbibigay ng non-formal education para sa out-of-school youth at adults na hindi kaya ang regular schooling.
Ayon kay Angara, mahalagang palawakin ang ALS, lalo na’t kayang suportahan ngayon ang learners sa lahat ng edad, hindi gaya noon na kulang ang resources.
Idinagdag ng kalihim na mahalaga ang upskilling, na nais bigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, nagpahayag din si Angara ng suporta para sa pagkumpleto ng special education (SPED) facilities at pagpapalakas ng disaster-resilient learning.