dzme1530.ph

EXECUTIVE SECRETARY RALPH RECTO, KUMPIYANSANG MAIPAPASA ANG ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL BAGO ANG FILING NG COC PARA SA 2028 ELECTIONS

Loading

Kumpiyansa si Executive Ralph Recto na maipapasa ang Anti-Political Dynasty Bill bago ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa 2028 elections.

 

Sinabi ni Recto na kung hindi masyadong extreme ang ideas para magkaroon ng malaking pagbabago, ay dapat mayroong mapagtibay na bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill sa susunod na taon.

 

Aniya, ang naturang panukalang batas ay pinag-aaralan ngayon ng Senado at Kamara, at ng Office of the President, kaya itinuturing itong priority measure.

 

Iba’t ibang panukala ang inihain sa Senate at House of Representatives para hilingin na gawing epektibo ang probisyon sa 1987 Constitution na nagbabawal sa political dynasties.

 

Hinimok din ng ilang mambabatas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-certify bilang urgent ang proposed bill sa lalong madaling panahon.

About The Author