dzme1530.ph

EXECUTIVE DIRECTOR NG AMLC, HUMIRIT NA MAILIPAT SA BSP SA GITNA NG IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL SCANDAL

Loading

Hiniling ng Executive Director ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na si Atty. Matthew David na mailipat sa ibang pwesto sa ilalim ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

 

Inanunsyo ng AMLC na itinalaga si Arnold Kabanlit bilang Officer-in-Charge habang naghahanap ang ahensya ng bagong Executive Director.

 

Wala namang ibinigay na timeline para sa mga pagbabago, sa screening ng bagong direktor, at sa bagong posisyon na ni-request ni David.

 

Si David ang Executive Director ng AMLC nang ma-secure ng ahensya ang freeze orders sa 27.8 billion pesos na halaga ng assets na iniuugnay sa mga personalidad na sangkot sa Flood Control Projects corruption scandal.

About The Author