dzme1530.ph

EXECUTIVE BRANCH, ISASAMA SA MGA PAGDINIG NG KAMARA KAUGNAY SA MIDDLE CRISIS

Loading

Naglabas ng direktiba si House Speaker Faustino Bojie Dy III na lahat ng pagdinig kaugnay sa Middle East crisis ay kasama lagi ang executive branch.

 

Layunin nito na makatipid ang gobyerno at makapag-focus sa agarang solusyon kung paano mapagagaan ang epekto ng mataas na presyo ng petrolyo.

 

Nais ni Dy na targeted at forward-looking ang gagawing aksyon ng legislative at executive branch dahil ang kailangan aniya ngayon ay malinaw na plano, hindi lamang sa ngayon kundi sa mga susunod pang buwan.

 

Lahat ng hearing habang naka session break matapos ang Holy Week ay pangungunahan ng cluster of committees na nakatutok sa critical sectors na apekto mula enerhiya, food security, labor, transportation, at economic management.

 

Ang hangarin ay magkatulungan bilang partners ang executive at legislative sa pagbibigay solusyon at hindi ang magturuan.

 

Ang mga komite ay kinabibilangan ng energy, agriculture, aqua-culture and fisheries, foreign affairs, ways and means, labor and employment, transportation, information and communication technology, economic affairs, at social services.

 

Giit ni Dy, hindi natin kontrolado ang nangyayari sa labas ng bansa, pero kontrolado natin kung paano tutugon sa hamong ito, basta ang mahalaga handa tayo, mabilis at sama-sama sa paghahanap ng solusyon.

About The Author