Ipinroklama na bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng Naga City si dating Vice President Leni Robredo.
Idineklara itong panalo matapos makakuha ng 84,259 votes .
Iginiit ni Robredo na kanilang palalakasin ang mga mekanismo para sa mabuting pamamahala, transparency, at accountability.
Binigyang diin din nitong kinakailangang dinggin ang boses ng mamamayan dahil ang partisipasyon ng mga ito ay nagsisilbing key pillars ng mabuting pamahala o good governance.
Ang mabuting pamamahala aniya ay susi naman sa pagtugon sa urgent challenges o hamon sa lungsod, partikular sa edukasyon, kalusugan, at kapaligiran.
“Napakarami kasing kailangan dito sa lungsod namin. Unang-una, kakagaling lang namin sa pinakamatinding pagbaha so kailangan ayusin. Yung mga infrastructure na makakatulong sa amin to be more resilient and para maka-adapt sa kondisyon ng lugar namin. Gusto namin maging pinakamahusay sa edukasyon, sa health,”
Nangako rin si Robredo na palalakasin ang mga kabataan sa pamamagitan ng paghimok sa kanilang makilahok sa public service.
“Meron kami iyong City Youth officials na one month sila nagsi-serve, iyong mga Sangguniang Kabataan naming mahuhusay. Siguro ayusin lang ang platform kung saan pwede silang makilahok sa governance..”