dzme1530.ph

Ex-VP Binay, anak, pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa Makati Parking Building case

Loading

Pinawalang sala ng Sandiganbayan si dating Vice President Jejomar Binay at ang kanyang anak na si dating Makati Mayor Junjun Binay sa mga kasong graft, falsification of public documents, at malversation kaugnay ng konstruksiyon ng umano’y overpriced na Makati City Parking Building.

Ayon sa anti-graft court, nabigo ang prosecution na patunayan na guilty beyond reasonable doubt ang mag-amang akusado.

Sinimulan ang 2.2 billion pesos na proyekto noong alkalde pa lamang ang nakatatandang Binay at ipinagpatuloy ito ng kanyang anak noong 2010 hanggang 2013.

Una nang sinabi ng nakababatang Binay sa korte na hindi lamang siya ang nag-apruba sa pag-release ng payments noong 2011 at 2013. Iginiit din niya na ang bidding at post-bidding activities ay isinagawa ng iba pang personalidad maliban sa kanya.

About The Author