dzme1530.ph

Ex-Rep. Arnie Teves Jr. iniharap ng NBI sa midya

Loading

Iprinisinta ni NBI Dir. Jaime Santiago si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa media bago siya ilipat sa Bureau of Corrections sa Muntinlupa City.

Ayon kay Santiago, itinurn-over ng gobyerno ng Timor-Leste sa NBI si Teves sa pakikipag-ugnayan umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ito maaresto sa naturang bansa.

Sinabi ni Santiago na ang pag aresto kay Teves ay dahil sa iligal na paninirahan nito sa Timor-Leste sa loob ng dalawang taon.

Dagdag pa ni Santiago sinabi ng Timor-Leste Government na isang malaking banta ang pananatili ni teves sa nasabing bansa dahil sa mga kinakaharap nitong kaso sa Pilipinas.

Sinabi naman ni Teves sa isang press conference na nalulungkot ito gayung dito sa Pilipinas aniya ay kahit hindi pa convicted ay nakukulong na.

Sinabi naman ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, na ngayon na nasa hurisdiksyon na ng gobyerno si Teves ay nakahanda ang kanilang kampo na depensahan ang mga kasong isinampa laban sa dating kongresista.

Ayon pa kay Santiago, pansamantalang mananatili si Teves sa isang detention facility room ng NBI sa bldg 14 sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Binalaan na din umano nito ang kanilang mga tauhan na mahigpit na ipatupad ang batas at umiwas sa katiwalian gaya ng ‘lagay system’ na umiiral upang makalabas ng kulungan ang isang detainee.

About The Author