dzme1530.ph

Ex-pres’l spox Harry Roque at dating PAGCOR Chairman Domingo, iimbitahan sa susunod na pagdinig ng Senado sa POGO ops

Iimbitahan na ng Senate Committee on Women sina dating Presidential Adviser Harry Roque at dating PAGCOR Chairperson Andrea Domingo sa susunod na pagdinig kaugnay sa POGO operations.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig, natukoy si Roque na tumulong sa authorized representative ng Lucky South 99 para makapagbayad ng arrears at makakuha muli ng lisensya.

Nais namang pagpaliwanagin ng kumite si Domingo sa pahayag ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na umabot sa 298 ang POGO na nabigyan ng lisensyana karamihan sa kanila ay service provider.

Gayunman, sa pagsusuri natuklasan na wala namang naipasok na kita ang mga service provider sa PAGCOR.

Samantala, nabusisi ng kumite ang mga dokumentong nakuha mula sa POGO hub sa Bamban, Tarlac partikular ang mga papeles ng Breakhearts Technology Incorporated na isang service provider na kinalaunan ay nakansela.

Naiugnay sa BreakHearts ang isang Gerald Cruz na lumitaw din ang pangalan sa Pharmally Biological Inc. kung saan din nabanggit si dating Presidential Adviser Michael Yang.

About The Author