Inakusahan ni former presidential spokesperson, Atty. Harry Roque ang Kamara na nagpa-power trip, kasunod ng pag-iisyu ng contempt at arrest orders laban sa kanya.
Bunsod ito ng umano’y kaugnayan niya sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Nanindigan din ang dating opisyal ng nakalipas na Duterte administration na hindi siya pugante.
Sa live video na ipinost sa Facebook, sinabi ni Roque na pugante siya, sa Kongreso lamang at wala siyang pakialam.
Hindi rin aniya tama ang ginagawa ng mga mambabatas na pasigaw-sigaw, at kapag hindi nagustuhan ang sagot ng resource person ay kaagad iko-contempt.
Una nang cinite-in-contempt ng Kamara si Roque at ipinag-utos ng apat na komite o “Quadcomm” na i-detain noong Sept. 13 makaraang tumanggi ito na magsumite ng mga dokumento na umano’y magpapatunay ng kanyang lumobong kayamanan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera