dzme1530.ph

Ex-President Rodrigo Duterte, hindi pa patay; biktima ng fake news

Buhay na buhay si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang iprinisinta ni Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang Facebook live matapos kumalat sa social media partikular sa Tiktok na pumanaw na ang dating Pangulong Rodgrigo Duterte.

Ipinakita ni Go sa kanyang Facebook live na magkasama sila ni Former President Rodrigo Roa Duterte sa bahay nito sa Davao City kung saan malakas pa rin ang dating Presidente para sa kanyang edad.

Nagsalita rin si Duterte na bagamat matanda na siya ay wala naman siyang sakit at sa kanyang tingin ay hindi naman siya papanaw agad.

Pinayuhan naman ni Go ang publiko na mag-ingat at huwag magpapaniwala agad sa mga kumakalat na fake news.

Pangako pa ni Go na hindi niya pababayaan si Duterte bagkus ay hanggang kamatayan ang kanyang commitment sa dating Pangulo.

About The Author