dzme1530.ph

Ex-Pres. Spox. Trixie Cruz-Angeles, umalma sa 6-month suspension na ipinataw ng SC

Dumipensa si dating Presidential Spokesperson Atty. Trixie Cruz-Angeles kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema na nagpapataw ng anim na buwang suspensyon sa kaniyang pagiging abogado.

Sa pahayag ni Cruz-Angeles, nilinaw nito na hindi siya ang nagsulat ng pleadings sa korte na mayroon umanong ginamit na “intemperate language” o hindi kanais-nais na salita.

Ayon pa sa abogado, gagamitin nila ang lahat ng paraan upang madinig ng Korte Suprema ang kanilang apela.

Uubusin din aniya nila ang lahat ng proseso upang makamit ang hustisya sa naturang kaso.

Gayunpaman, nagpahayag ng pasasalamat ang dating opisyal sa mga taga-suporta at naniniwala sa kanilang ipinaglalaban. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author