Tumanggi si dating Pangulong Rodrigo Duterte na magkomento sa pagsusumite ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ng testimonya nito sa Senado hinggil sa war on drugs, sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Duterte na walang ginawa si Trillanes kundi dumaldal kaya hindi niya ito sasagutin.
Oct. 28 nang humarap ang dating Pangulo sa Senate Blue Ribbon Subcommittee, kung saan inako nito ang “full and legal responsibility” sa drug war sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Inihayag ni Trillanes na isinumite niya ang transcript ng Senate Blue Ribbon Subcommittee noong Oct. 30 habang ang sa House Quad Committee Inquiry ay naipadala na noong nakaraang linggo. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera