Posibleng wala pang pananagutan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa sinasabing gentleman’s agreement sa China kaugnay ng West Philippine Sea.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ito ay dahil sa ngayon ay wala pang ebidensya o katibayan kaugnay ng secret agreement.
Muli ring sinabi ni Marcos na inaalam pa nila kung ano ang nilalaman ng kasunduan at kung ano ang nalagay sa kompromiso, ngunit wala pa rin siyang nakukuhang matinong sagot mula sa mga opisyal ng nagdaang administrasyon.
Naniniwala rin ito na hindi gawa-gawa lamang ng China ang gentleman’s agreement.
Patuloy ding itinatanong ni Marcos kung bakit ginawang sikreto ang kasunduan at kung bakit hindi siya naabisuhan tungkol dito sa pag-upo niya bilang pangulo.