dzme1530.ph

Ex-PNP Chief Jesus Versoza, inabswelto ng Sandiganbayan sa 2009 chopper deal

Pinawalang sala ng Sandiganbayan 7th Division si dating PNP Chief Jesus Verzosa sa kasong graft kaugnay ng maanomalyang pagbili ng segunda manong helicopters ng PNP noong 2009.

Ipinag-utos ng anti-graft court ang pagbawi sa hold departure order laban kay Verzosa at sa 11 pang mga personalidad na inabswelto, gayundin ang pag-release ng kanilang cash bonds.

Ilan sa mga inabswelto ay sina Police Deputy Director General Jefferson Soriano, Police Supt. Roman Loreto, Police Director George Piano, at Police Supt.  Luis Saligumba.

Samantala, ang iba pang mga akusado na pinatawan ng guilty beyond reasonable doubt ay sina Police Directors Luizo Ticman, Ronald Roderos, Romeo Hilomen, at Leocadio Santiago; at Hilaro de Vera.

Sinentensyahan ang mga ito na makulong ng anim hanggang walong taon, at pinatawan ng perpetual disqualification mula sa public office.

Inatasan din ang lima na magbayad ng civil liability na nagkakahalaga ng mahigit ₱11.377-M per unit ng dalawang pre-owned helicopters na may 6% interest per annum.

About The Author