dzme1530.ph

Ex-nuncio Cardinal Vigano, tiniwalag sa Simbahan dahil sa salang ‘schism’

Pinatawan si dating Papal Nuncio to the United States Archbishop Carlo Maria Vigano ng excommunication o pagkatiwalag sa loob ng Simbahang Katolika dahil sa paglabag nito sa Canon Law.

Sa isang pahayag, sinabi ng Dicastery for the Doctrine of the Faith na matapos ang extrajudicial penal process na nakasaad sa canon 1720, nakitaan si Vigano ng paglabag sa canons 751 at 1364 CIC; art. 2 SST ng Code of Canon Law dahilan para ito ay maging guilty sa salang ‘schism’ o naging sanhi ng matinding hidwaan at pagkakawatak-watak sa loob ng Simbahang Katolika.

Kabilang sa mga itinuturong paglabag ni Vigano ay ang pagtanggi nito na kilalanin at pasakop sa otoridad ni Pope Francis bilang lider; pagtanggi at di pakikiisa sa mga miyembro ng Simbahan na sumasaklaw sa kanya; at tahasang di pagkilala sa legalidad at otoridad ng Second Vatican Council.

Si Vigano ay matinding kritiko ni Pope Francis na tinawag nitong “false prophet at “servant of Satan” at hinamon ang Santo Papa na magbitiw sa pwesto dahil sa pagtanggi nitong parusahan ang isang American Cardinal na may sexual misconduct kahit na may alam ito.

Tutol rin ito sa Second Vatican Council na inilarawan nitong bilang isang kanser.

“It is no coincidence that the accusation against me concerns the questioning of the legitimacy of [Pope Francis] Jorge Mario Bergoglio and the rejection of Vatican [Council] II: the Council represents the ideological, theological, moral and liturgical cancer of which the Bergoglian ‘synodal church’ is necessary metastasis,” saad ni Vigano sa isang pahayag.

Mariin namang itinanggi ng Simbahan ang mga paratang ni Vigano na wala umanong maipakitang matibay na basehan.

Ayon sa Dicastery for the Doctrine of the Faith ang parusang excommunication kay Vigano ay maaari lamang bawiin ng Apostolic See.

About The Author