Pinayagan ng Manila Regional Trial Court Branch 12 na makapagpiyansa si dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. para sa isa sa kanyang mga kasong murder.
Ayon sa kanyang abogado na si Ferdinand Topacio, itinakda ng korte ang piyansa sa halagang ₱120,000, habang nakabinbin pa ang iba pang petisyon ni Teves kaugnay sa dalawa pang kaso.
Matatandaang si Teves ang inaakusahang utak sa pamamaril noong Marso 4, 2023 na ikinasawi ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at sampung iba pa.
Na-expel si Teves sa Kamara matapos niyang tumangging umuwi sa Pilipinas upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.