![]()
Bigo ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng fact-finding investigation sa mga dating sundalo na nag-deliver umano ng pera sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, tahimik ang mga dating Marines nang magtungo ang mga ito sa kanilang tanggapan, kahapon.
Nangako naman aniya si Atty. Levito Baligod na babalik ang mga ito, at mula sa 18 ay 16 ex-Marines lamang ang nagtungo sa NBI.
Inihayag din ni Matibag na sina dating Cong. Mike Defensor, abogado nitong si Ferdinand Topacio, at Baligod ang nagsasalita para sa 16 na dating sundalo.
Aniya, hindi magagawa ng NBI ang kanilang trabaho kung hindi makikipagtulungan ang mga complainant.
Naniniwala rin ang NBI chief na hindi handa ang labing anim na maimbestigahan, at sumipot lamang sila para iprisinta ang kanilang personal informations bilang Marines.
