dzme1530.ph

Ex-Manila councilor na umano’y sangkot sa kidnap for ransom case, inaresto ng NBI

Loading

Inaresto ng National Bureau of Investigation (Nbi) ang isang dating konsehal ng Maynila na pinaghihinalaang sangkot sa kidnap for ransom case.

Dinakip ng mga tauhan ng NBI si dating Councilor Roderick Valbuena nang dumating ito mula sa Las Vegas, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon sa Bureau, sa kasalukuyan ay nakaditine ang dating Manila councilor sa NBI Detention Facility sa Muntinlupa City.

Si Valbuena ay isa sa limang akusado sa kidnapping for ransom case na isinampa sa Makati City Regional Trial Court Branch 61.

About The Author