dzme1530.ph

Ex-DPWH Usec. Bernardo, posibleng magbigay linaw sa mga anomalya sa flood control projects

Loading

Umaasa si Sen. JV Ejercito na mas mabibigyang linaw ni dating Department of Public Works and Highways Usec. Roberto Bernardo ang ilang usapin kaugnay sa anomalya sa flood control projects.

Sinabi ni Ejercito na shocking at revealing na ang mga pahayag ni Engineer Henry Alcantara, ngunit inaasahang mas maraming detalye ang makukuha kay Bernardo upang maisulong ang paglilinis sa ahensya.

Inaasahang haharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Huwebes si Bernardo.

Samantala, naniniwala si Ejercito na compartmentalized ang modus sa DPWH, kung saan sina Engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza ang namamahala sa implementasyon, habang si Alcantara naman ang kumakausap sa proponents at higher ups.

Kasabay nito, pinayuhan ni Ejercito ang kanyang kapatid na si Sen. Jinggoy Estrada na ilabas ang lahat ng kanyang depensa kung talagang wala itong kinalaman sa anomalya, at samahan ng panalangin ang kanyang sitwasyon.

Aniya, nalulungkot ito hindi lamang para sa kanyang kapatid kundi para rin sa Senado, Kamara, at buong pamahalaan na kasalukuyang nahaharap sa paglilitis ng taumbayan.

About The Author