dzme1530.ph

Ex-Bulacan engineer Henry Alcantara, guilty sa mga kasong administratibo

Loading

Guilty si dating Bulacan First District Engineer Henry Alcantara sa multiple administrative cases bunsod ng umano’y pagkakasangkot nito sa maanomalyaang infrastructure projects sa Bulacan.

Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, kabilang sa patong-patong na kasong administratibo ni Alcantara ang disloyalty to the Republic of the Philippines and to the Filipino people, grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Sinabi ni Dizon na magsilbi sana itong leksyon sa mga opisyal at kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na responsable sa mga ghost at palpak na proyekto.

Alinsunod aniya ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi maaaring hindi managot ang mga korap sa gobyerno.

Idinagdag ng DPWH chief na ire-rekomenda niya ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban kay Alcantara at sa iba pang mga personalidad na sangkot upang mabigyan ng hustisya ang ninakaw na pondo mula sa taumbayan.

About The Author