dzme1530.ph

Ex-Bamban Tarlac Mayor Alice Guo, sisikaping maibalik sa bansa ngayong araw —Pangulo

Sisikaping maibalik sa bansa ngayong araw ang naarestong si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos maaresto sa Indonesia si Guo.

Samantala, sinabi rin ni Marcos na hindi na kailangan nang marching orders ng mga awtoridad dahil mayroon na silang legal orders mula sa korte, at ito ay ang ibalik sa Pilipinas si Guo.

Muli rin nitong tiniyak na pagbabayarin ang lahat ng kawani ng gobyerno na dawit sa pagpapatakas kay Guo, at bukod sa pagsibak ay sasampahan din sila ng kaso.

Una nang sinabi ng Pangulo na ang pagkaka-aresto kay guo ay magsisilbing babala sa lahat ng nagtatangkang takasan ang hustisya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author