dzme1530.ph

Evacuation center, binuksan na sa Davao Oriental; “smart houses,” naitayo na sa Cebu, para sa mga biktima ng lindol

Loading

Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na binuksan na nila ang evacuation center at naitayo na ang “smart houses” para sa mga biktima ng lindol sa mga lalawigan ng Davao Oriental at Cebu.

Sa social media post, iniulat ng DPWH ang pagbubukas ng regional evacuation center sa Manay, Davao Oriental para sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 7.4 at 6.8 na lindol na tumama noong Biyernes.

Bukod sa temporary shelter, nag-deploy din ang kagawaran ng tanker na handang magbigay ng dalawampung libong litro ng tubig sa mga evacuees.

Samantala, sa Cebu, naitayo na ng DPWH ang smart o prefabricated houses sa San Remigio Tent City, sa tulong ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Mayroon na ring mga poste ng kuryente upang matiyak ang maayos na supply ng elektrisidad sa lugar.

Setyembre 30 nang yanigin naman ng magnitude 6.9 na lindol ang hilagang bahagi ng Cebu.

About The Author