dzme1530.ph

EU, tutulong sa digitalization at pagpapalakas ng 5G internet sa Pilipinas

Tutulong ang European Union sa digitalization ng Pilipinas, na kabilang sa mga adhikain ng administrasyong Marcos.

Ayon kay European Commission President Ursula Von Der Leyen, ngayong taon ay maglulunsad sila ng digital economy package para sa Pilipinas.

Isusulong nito ang mabilis at reliable na koneksyon sa pamamagitan ng submarine cables, cybersecurity training, at ang pagpapalakas ng 5G internet connection.

Bukod dito, pinaplano rin ng EU na magtayo ng submarine cable extension mula Europa, Japan, hanggang Southeast Asia, na maaaring ding umabot sa Pilipinas.

Sakaling maisakatuparan ay malaki umano ang maitutulong nito para sa kasaganahan at maging sa national security ng bansa.

Si Von Der Leyen ay nasa bansa para sa tatlong araw na official visit. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author