Dumating na si European Commission President Ursula Von Der Leyen sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City via commercial flight kahapon araw ng Linggo, para sa tatlong araw na official visit.
Sinalubong ito nina Department of Information and Communications Technology sec. Ivan John Uy, Presidential Adviser on Foreign Affairs Adelio Angelito Cruz, Philippine Ambassador to the Commission of European Communities and the Council of European Union Ambassador Jaime Victor Ledda, at European Union Ambassador to the Philippines Luc Veron.
Ngayong araw ng Lunes ay magkakaroon ng bilateral meeting si Von Der Leyen kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., upang palakasin ang diplomatic ties ng Pilipinas at EU.
Inaasahang kanya ring patatatagin ang kooperasyon ng Pilipinas at EU sa kalakalan, ekonomiya, development, maritime cooperation, climate and environment, space cooperation, digital connectivity, at iba pang sektor.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng official visit sa Pilipinas ang isang presidente ng EU Commission. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News