dzme1530.ph

Estudyanteng atleta, nasawi matapos madaganan ng poste ng soccer goal

Patay ang isang estudyanteng atleta matapos madaganan ng poste ng soccer goal sa Laoag, Ilocos Norte.

Ayon sa Pulisya, nangyari ang aksidente habang nag-eensayo ang grade 11 student na si Nash dela Cruz para sa distance track and field sa gaganaping Region 1 Athletic Association Meet.

Bumigay ang soccer goal post na gawa sa bakal nang lumambitin si dela Cruz.

Naniniwala naman ang ina ng nasawing mag-aaral na dapat may managot sa nangyari sa kaniyang anak.

Samantala, nangako ang unibersidad sa nasabing lugar na tutulong ito sa pamilya ng biktima.

About The Author