Inaasahang matatapos sa ikalawang linggo ng buwan ng mayo ang pagtaya para sa 2024 budget ng bansa.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, inatasan na nila ang mga ahensya ng gobyerno at tanggapan na magsumite ng kanilang budget proposals sa katapusan ng buwan na ito.
Dagdag niya, nakabase sa Eight-Point Socioeconomic Agenda at Philippine Development Plan ang mga programa na ipa-prayoridad at nakapaloob sa pondo para sa susunod na taon.
Kabilang ang sektor ng edukasyon, manpower development, health sector, at cash assistance para sa marginalized sector.
Sinabi naman ni Pangandaman na tinitingnan din ng pamahalaan na panatilihin sa 39% ang ilalaang pondo para sa social services sector na kapareho sa budget ngayong taon. —sa panulat ni Airiam Sancho