Ganap nang batas ang Estate Tax Amnesty Extension o Repuclic Act No. 11956.
Ayon kay Ways and Means panel chairman Cong. Joey Salceda ng Albay, inabisuhan na siya ng Palasyo para ipaalam na in-effect na ang RA 11954 na inakda nito.
Salig sa bagong batas, tatagal ang Estate Tax Amnesty period hanggang 2025, at kabilang dito ang mga mga namatay noong Mayo 2022 at may naiwang ari-arian.
Sa ngayon may halos 1-M pamilya ang may problema sa estates na nagiging dormant.
Sa ilalim ng bagong batas pinapayagan na nito ang electronic filing ng Estate Tax Amnesty, binawasan ang required documents, at pinaikli sa 30-days ang pagbuo ng IRR.
Una dyan isinabatas na rin ang RA No. 11953 o ang New Agrarian Reform Emancipation Act na bumura sa tax obligations ng 610,054 agrarian reform beneficiaries. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News