Naniniwala ang National Anti-Poverty Commission na hindi pa rin bumabalik sa pre-pandemic level ang sitwasyon ng employment sa bansa.
Ito ay sa kabila ng tuloy-tuloy na pagtaas ng employment rate at pagbaba ng unemployment rate.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni NAP-C Representative for Formal Labor Sector Danilo Laserna na ang pagdami ng bilang ng mga may trabaho ay ibinunga ng seasonal factors, katulad na lamang umano noong panahon ng pasko kung saam mataas ang demand sa mga manggagawa sa service, hotel, at tourism sector.
Sa kabila nito, sinabi ni Laserna na kailangan pa ring habulin ang bilang ng mga nawalan ng trabaho noong pandemya.
Ibinahagi naman ng NAP-C official na sa ngayon ay unti-unti nang sumisigla ang formal labor sector at patuloy na nagbubukas ang mga negosyo lalo na sa service industries at manufacturing.