Nais pang palawakin ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang imbestigasyon sa Education Service Contracting (ESC) program sa ilalim ng Gov’t Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE).
Sa House Resolution 2252, inisa-isa ni Rodriguez ang mga natuklasang kalokohan sa financial assistance to students para sa low-income family.
Sa ilalim ng programa, binibigyan ng ayuda o voucher mula P18,000 hanggang P22,500 ang isang mahirap na estudyante na mag-eenroll sa private schools.
Tinukoy ng kongresista ang mismong report ng Dep’t. of Education, na may P200-M worth of school vouchers ang kanilang pinigil dahil sa “questionable at unverifiable student claims.”
Tinukoy din sa DepEd reports ang pagmamanipula ng ilang private schools sa enrollment date at nagre-rehistro ng mga ‘non-existince students’ para makakuha ng voucher.
Mga fly-by-night schools na kasali sa voucher program.
Mga senior high school na may voucher kahit hindi naman ito require na magbayad ng matrikula, bigong maka-comply sa required number of instructional hour ng DepEd.
May ilang paaralan din ang nag-aalok ng monetary incentives sa mga principals o guro para magrekomenda ng estudyante sa programa.
Ayon kay Rodriguez ilan lamang ito sa napakaraming anomalya sa programa na kailangang maimbestigahan ng mabuti para mahinto at maparusahan ang mga nasa likod nito.
Kailangan din umano palakasin ang policies at guidelines ukol sa ESC program, lalo na sa verification, monitoring at accountability mechanisms.