Gustong panagutin ni Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang mga supplier ng DepEd sa panahon ni former Secretary Sara Duterte.
Sa budget briefing naungkat ang kabiguan ng Last Mile School Program (LMSP) ng DepEd na ginastusan ng 50% ng ₱20.54 billion.
2020 pa nagsimula ang delay sa delivery ng essential resources kabilang ang computers sa ilalim ng LMSP, at nagtuloy-tuloy pa ito hanggang sa panahon ni VP Duterte.
Ipinunto ni Adiong na ₱10-B ang ginastos sa programa subalit ang katakataka ay wala man lang aksyon na ginawa laban sa mga erring suppliers.
Isiniwalat naman ni Usec. Epimaco Densing III, na tatlong contractors ang napili sa LMSP.
Sa tatlong ito isa lamang ang nakapag deliver ng 95%, isa sa Mindanao subalit hindi rin naka-deliver, habang ang isa pa ay zero output umano.
Hindi naman pinangalanan ang mga erring contractors, subalit umaasa si Adiong na sa pamumuno ni Sec. Sonny Angara, idedemanda nito ang mga manlolokong contractors. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News