Kinumpirma ng Philippine Airlines na hindi nakalipad ang flight PR102 papuntang Los Angeles dahil sa isang teknikal na isyu.
Ayon sa ilang pasahero, umatras ang flight PR 102 sa Ninoy Aquino International Airport sa bay 6 kagabi habang ito ay umaadar patungo sa taxi way bilang paghahanda sa take-off, 10:22 kagabi.
Isang malakas na tunog na nagmumula sa makina ang dahilaan nang biglaang pag-preno ng piloto upang pigilan ang paglipad ng eroplano.
Ligtas namang nakababa ng eroplano ang lahat ng 361 na pasahero na agad ding nabigyan ng hotel accommodations matapos ang insidente.
Isang kapalit na flight patungong Los Angeles ang isinaayos upang mailipad ang mga pasahero ng nakanselang flight kung saan nakatakda itong umalis alas 2:00 ng hapon ngayong araw.