Isang eroplano ng Cebu Pacific Air A-321 ang bahagyang na-overshot sa madamong bahagi ng Golf 13 runway kaninang umaga habang nagre-repositioning mula Bay 111 hanggang Bay 122A ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon kay Cebu Pacific Spokesperson Carmina Romero ang nasabing eroplano ay walang sakay na pasahero o crew at wala ring naiulat na pinsala sa oras ng insidente.
Sa ngayon naialis na ng MIAA Aircraft Recovery Team ang sasakyang panghimpapawid na nabalahaw sa madamong lugar.
Dahil sa insidente, ang Bay 110-112 ay pansamantalang hindi nagagamit ng ilang oras maliban sa (3) parking bay na magagamit naman para sa wide-body aircraft.
Humingi ng pang-unawa ang MIAA sa lahat ng mga pasahero na maaring maapektuhan ng pagkaantala ng kanilang flight.
Pinapayuhan ang mga manlalakbay na maghintay sa anunsyo ng kanilang airlines para sa panibagong oras ng kanilang flight schedule.