Isang Piper Tomahawk airplane ang bumagsak umaga ng Pebrero 19, sa Brgy. Langlagan sa Plaridel Bulacan.
Ayon sa PNP Air Unit, nagsasagawa sila ng proficiency flight bandang 9:45 A.M. nang makatanggap ito ng isang distress call.
Ang naturang eroplano ay pagmamay-ari ng Flightline Aviation Flight school na may sakay na isang flight instructor at isang student pilot.
Ayon naman sa CAAP, nagkaroon ng emergency landing ang naturang eroplano dahil nagkaroon ng engine malfunction ang naturang training aircraft.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng Plaridel Municipal Police Station at PNP Aviation Security Unit kaugnay ng insidente.