dzme1530.ph

Epekto sa ekonomiya ng political developments sa bansa, maliit lang, ayon kay SP Escudero

Loading

Kumpiyansa si Senate President Francis “Chiz” Escudero na maliit lang ang epekto sa ekonomiya ng political developments na nangyayari ngayon sa bansa kasama na ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Escudero na sa ngayon ay nananatili pa ring matatag ang economic fundamentals at democratic process sa bansa.

Katunayan ay nananatiling pinakamabilis na paglago sa ekonomiya ang Pilipinas sa Southeast Asia at nauuungusan na nito ang Singapore, Thailand at Malaysia.

Aminado si Escudero na anumang ingay sa pulitika ay mayroong epekto sa mga negosyante subalit umaasa siyang habang unti-unting humuhupa at lumilinaw ang isyu ay manunumbalik ang kanilang pamumuhunan sa ating bansa.

Naniniwala ang senate leader na sa mga susunod na araw ay huhupa rin ang mga emosyon habang nabibigyang linaw ang mga pangyayari.

Nanindigan ang senador na importanteng nasusunod ang legal na proseso anuman ang personal o politikal na kagustuhan at naihahayag ng malaya ang kanilang mga sentimyento at hinaing.

About The Author