Patuloy na nakatutok ang gobyerno sa epekto ng weather conditions sa suplay ng prime commodities tulad ng pagkain at enerhiya, kasunod ng pagtaas sa 3.7% ng inflation rate sa bansa para sa buwan ng Marso.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ipinatutupad ang strategic measures upang pahupain ang inflation sa harap ng patuloy na pag-iral ng El Niño, at nagbabadyang pagtama ng La Niña.
Kabilang dito ang aktibong pagpapaabot ng tulong ng Department of Agriculture sa mga magsasakang apektado ng tagtuyot.
Nakatutok naman ang Department of Environment and Natural Resources sa suplay ng tubig.
Pinaghahandaan na rin ang epekto ng La Niña upang matiyak ang food and energy security, availability ng malinis na tubig, at kaligtasan ng publiko.
Siniguro ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na committed ang administrasyong Marcos sa pagkontrol sa inflation upang maipagpatuloy ang pagsulong at mabigyan ng maayos na pamumuhay ang mga Pilipino.