dzme1530.ph

EPEKTO NG MATAAS NA PRESYO NG OIL PRODUCTS SA IBA’T IBANG INDUSTRIYA, PINABUBUSISI

Loading

Pinabubusisi ni Senador Bam Aquino ang epekto sa iba’t ibang industriya ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Sa kanyang Senate Resolution 337, sinabi ni Aquino na layunin ng pagbusisi na makabalangkas ng mga programa at polisiya sa pagharap ng bansa sa ganitong uri ng krisis.

Iginiit niyang dapat na ring makapagbigay ng tulong sa mga kritikal na sektor tulad ng food security, transportasyon at delivery services.

Nakasad sa resolution na ang Pilipinas, bilang heavily dependent sa imported petroleum products, ay sensitibo sa paggalaw ng global oil prices.

Nagbabala ang senador na ang tuloy-tuloy na pagtaas ng fuel prices ay maaaring magpabilis sa inflation, maging banta sa food security at makabawas sa kita ng vulnerable sector.

About The Author