Inihayag ng Malakanyang na layunin ng itinakdang mandated price ceiling sa bigas na maibsan ang epekto ng inflation sa bansa.
Ito ay makaraang tumaas sa 5.3% ang inflation rate para sa buwan ng Agosto, mula sa 4.7% noong Hulyo.
Ayon sa Presidential Communications Office, kabilang sa mga pangunahing nagtulak sa inflation ay ang food at non-alcoholic beverages, kasama na ang mabilis na pagsipa ng presyo ng bigas.
Kaugnay dito, sa pagiging epektibo ngayong araw ng mandated price ceiling ay inaasahang makokontrol na ang presyo ng bigas at maiibsan ang epekto ng inflation.
Matatandaang sa Executive Order no. 39 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Itinakda sa P41 ang mandated price ceiling sa kada kilo ng regular milled rice, at P45 per kilo sa well-milled rice. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News