Sumiklab ang sunog sa loob ng Camp Crame kaninang madaling araw.
Ayon sa ulat ng Headquarters Support Service, nasunog ang Explosive Ordnance Disposal o EOD K9 Compound dakong alas-12:41 ng madaling araw.
Itinaas ng Bureau of Fire Protection sa unang alarma ang sunog bandang ala-1:03 ng madaling araw.
Aabot sa 40 fire trucks ang rumesponde at mabilis na naapula ang apoy, na idineklarang fire out dakong ala-1:57 ng umaga.
Wala namang naiulat na nasugatan o nasaktan, habang patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog.
Matatandaang noong nakaraang buwan, nasunog din ang ilang bahagi ng PNP General Hospital sa loob ng National Headquarters ng PNP.