dzme1530.ph

EO para sa total ban ng mga POGO sa bansa, ilalabas sa susunod na dalawang linggo

Posibleng ilabas na sa susunod na dalawang linggo ang executive order para sa total ban sa mga POGO.

Ito ang inihayag ni Presidential Anti-Organized Crime Commission Dir. Usec. Gilbert Cruz sa pagtalakay ng Senate Committee on Ways and Means sa mga panukala para sa pag-ban ng mga online gambling kasama na ang POGO sa bansa.

Sa pagtatanong ni Sen. Sherwin Gatchalian, sinabi ni Cruz na nakita na niya ang draft ng EO.

Sa ngayon anya ay nililinaw pa ang magiging implementasyon ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kasabay ng pagkumpirama na klaro na sa draft ang depinisyon ng bawat termino.

Nais ni Gatchalian na maging malinaw kung kasama sa EO ang mga direktiba sa mga service providers o mga special class BPOs na hindi naman kumukuha ng pusta pero nagbibigay ng serbisyo sa mga gaming companies sa labas ng Pilipinas gayundin ang mga e-gamings na kumukuha naman ng bets o taya sa loob ng bansa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author