dzme1530.ph

EO kaugnay ng OGP, magpapalakas sa public participation at transparency –DBM

Naniniwala ang Department of Budget and Management (DBM) na mas maitataguyod pa ang public participation at transparency sa gobyerno, sa ilalim ng inilabas na Executive Order no. 31 na mag-iinstitutionalize sa Open Government Partnership (OGP).

Ito ay kasabay ng pag-welcome ni Budget Sec. Amenah Pangandaman sa kautusan, at pasasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa pag-suporta sa adbokasiya ng DBM sa transparency.

Ayon kay Pangandaman, dahil sa EO ay mabibigyan ng boses ang mamamayan sa consensus-building para sa mabilis na pagsulong ng bansa.

Mas matitiyak din nito ang openness, transparency, at inclusivity sa national at local governance processes, habang makatutulong din ito sa digital transformation sa pamamagitan ng reliable data systems na tutugon sa mga pangangailangan ng publiko.

Mababatid na sa ilalim ng EO, ang DBM Sec. ang inatasang pamunuan ang PH-OGP Steering Committee. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author