dzme1530.ph

Environmental case laban sa China, inaasahang maku-kumpleto na ng DOJ sa mga susunod na Linggo

Inaasahang maku-kumpleto na ng Department of Justice sa mga susunod na linggo ang inihahandang environmental case laban sa China, kaugnay ng mga pinsalang idinulot sa West Philippine Sea.

Ayon kay DOJ Spokesman Assistant Secretary Mico Clavano, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa office of the solicitor general upang gawing solido ang isasampang kaso.

Sinabi ni Clavano na kailangang pagtibayin ang lahat ng ebidensyang ididikit sa kaso.

Una nang ibinahagi ni Justice Sec. Boying Remulla ang planong pagsasampa ng kaso laban sa China dahil sa umanoy malawakan nitong pagkuha ng corals sa Rozul reef.

Maaari ring isama sa kaso ang pinsalang idinulot ng pagtatayo ng China ng artificial island sa Escoda shoal.

About The Author