dzme1530.ph

Enrile, Napoles at Gigi Reyes, pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa plunder sa pork barrel scam

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan, sina Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at kapwa akusado nitong sina Jessica Lucila “Gigi” Reyes at Janet Napoles, sa kasong plunder na may kaugnayan sa pork barrel scam.

Sinabi ng Sandiganbayan Special Third Division na bigo ang prosekusyon na patunayanang ‘guilty beyond reasonable doubt” ang mga akusado.

Iginiit ni Enrile na walang ebidensya na magpapatunay na binigyan siya ng pera ni Napoles o ni Ruby Tuason, na isang testigo. Wala rin umanong proof o patunay na inendorso niya ang mga NGO ni Napoles sa iba’t ibang ahensya at ginamit nito ang kaniyang posisyon upang pagyamanin ang sarili.

Sina Enrile at Reyes ay inakusahan ng pakikipagsabwatan kay Napoles para makapagpuslit ng ₱172.83 million kickback mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng dating senate president sa pamamagitan ng mga ghost non-government organizations na nilikha ni Napoles.

Nagsimula ang kasong ito nina Enrile, Napoles at Reyes, noong June 5, 2014. —sa panulat ni Judea Bernardo

About The Author