Hindi na muna ibabalik sa Senate detention cell si dating Bulacan 1st District Assistant Engr. Brice Hernandez.
Ito ang kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kasunod ng naging testimonya ni Hernandez sa Kamara.
Pinangalanan ni Hernandez sa Kamara sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada na nagbaba ng pondo para sa flood control sa lalawigan ng Bulacan na may 30% na SOP.
Sinabi ni Sotto na nagkasundo sila ni House Speaker Martin Romualdez na idiretso si Hernandez sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.
Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ni Hernandez.
Gayunman, nilinaw ni Sotto na bagama’t sa custodial center mananatili si Hernandez, ay mananatili siyang nasa ilalim ng superbisyon ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms.