dzme1530.ph

Engr. Brice Hernandez, pinahaharap na sa imbestigasyon ng Independent Commission

Loading

Kumpirmado ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ipinahaharap na sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) si dating Bulacan 1st District Assistant Engineer Brice Hernandez.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Sotto na nakatanggap ito ng notice para sa kustodiya ni Hernandez upang humarap ito sa inquiry ng ICI. Binigyang-awtoridad na aniya ang Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) na dalhin si Hernandez sa pagdinig.

Samantala, sinabi ni Justice Sec. Boying Remulla na posibleng abutin ng 40 hanggang 60 araw bago makapagsampa ng kaso laban sa mga sangkot sa flood control projects anomaly dahil dadaan pa ito sa due process.

Dagdag pa ni Remulla, magbabahagian sila ng impormasyon sa ICI upang mapabilis ang proseso at maiwasan ang duplication ng imbestigasyon. Uunahin din aniya ng DOJ ang pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa ghost flood control projects bago ang mga substandard projects.

About The Author