dzme1530.ph

Engr. Alcantara, pansamantalang pinalabas sa Senado para isailalim sa ebalwasyon ng DOJ para sa WPP

Loading

Binigyan ng go signal ng Senate Blue Ribbon Committee si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isama si Engr. Henry Alcantara sa kanilang tanggapan upang isailalim sa ebalwasyon sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).

Ito ay matapos ilahad ni Alcantara sa pagdinig ang kanyang nalalaman tungkol sa anomalya sa flood control projects.

Una na nitong pinangalanan ang tatlong senador, dalawang kongresista, at isang opisyal ng Commission on Audit na umano’y nakinabang sa mga proyekto sa kanyang nasasakupan. Kabilang dito sina Senators Joel Villanueva at Jinggoy Estrada, dating Senator Ramon Bong Revilla Jr., Cong. Elizaldy Co, dating Cong. Mitch Cajayon-Uy, at COA Commissioner Mario Lipana.

Ayon kay Sec. Remulla, dahil sa bigat ng testimonya ni Alcantara, kailangan siyang isailalim sa WPP upang makatulong sa mga kasong isasampa.

Nangako rin si Remulla na ibabalik si Alcantara sa Senado mamayang ala-1:30 ng hapon.

About The Author